^

Metro

Away sa parking, kelot inutas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalake ang patay, habang isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng apat na armadong suspect na nag-ugat sa away sa parking space sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang nasawi na si Angelo Camacho, habang sugatan naman si Richie Bulquerin, 26.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang CIDU upang matukoy ang pagkakakilanlan sa apat na suspect na tumakas makaraan ang krimen sakay ng kani-kanilang mga motorsiklo.

Sa ulat ng Police Station 4, nangyari ang insidente sa loob ng Ernesto’s Garden na mata­tagpuan sa A. Buenamar St. Brgy. Nova proper, Nova sa lung­sod ganap na alas -2:45 ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente, nagtalo umano si Camacho at isa sa mga suspect tungkol sa parking space sa harap ng naturang establisimento. Subalit, ang pagtatalo ay agad namang naawat ng mga kasamahan ng biktima at nagpasyang pahupain ang init sa loob ng naturang gusali, habang ang suspect naman ay nasa labas nito at hinintay ang kasama.

Ilang minuto ay dumating ang kasamahan ng suspect at nagpasyang pumasok sa establisimento at kinompronta si Camacho dahilan para magkaroon muli ng mainitang pagtatalo na nauwi pa sa pamamaril sa biktima.

Matapos nito ay agad na tumakas ang mga suspect, habang ang mga biktima ay isinugod naman sa Novaliches General Hospital kung saan nasawi si Camacho habang sinisikap na isalba ng mga doktor.

vuukle comment

ANGELO CAMACHO

AYON

BUENAMAR ST. BRGY

CAMACHO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERNESTO

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHIE BULQUERIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with