^

Metro

Pinahihiwalay sa nobya, binata nagbaril sa ulo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dala ng sobrang paghihinagpis matapos na sabihan ng nanay ng kanyang kasintahan na hiwalayan na ang anak, winakasan ng isang binata ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, si John Eric Gregorio, 22, ay nagawa pang maisugod sa FEU Hospital subalit idineklara ding dead-on-arrival.

Ayon kay SPO1 Floren­cio Escobido, nangyari ang insidente sa bahay ng biktima sa Jose Abad Santos St. Brgy Sta. Lucia sa lungsod, ganap na alas-11:00 ng umaga.

Bago ito, nagtungo uma­no sa bahay ng nasawi ang mga magulang ng kasintahan nitong 16-anyos upang payuhan ang una na hiwalayan na ang kanilang anak dahil sa me­nor-de-edad pa ito.

Matapos ang pag-uusap, nagpasyang pumanik ang biktima sa kuwarto nito at ilang sandali ay nakarinig na lang ang pamilya ng una ng putok ng baril mula sa itaas.

Nang alamin ay doon na nakitang nakabulagta si Joh Eric at may tama ng bala ng baril sa ulo.

Patuloy ang imbesti­gas­­yon ng mga awtoridad sa nasabing insi­den­te.

vuukle comment

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DALA

ESCOBIDO

FLOREN

JOH ERIC

JOHN ERIC GREGORIO

JOSE ABAD SANTOS ST. BRGY STA

MATAPOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with