2 salvage victim natagpuan sa Maynila

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na pina­ni­niwalaang biktima ng sum­mary execution ang natagpuan kahapon sa Sampaloc, Maynila.

Kapwa may marka ng pag­kakasakal sa leeg at tali ang mga kamay at paa ng dalawang biktima kung saan ang isa dito ay tinata­yang nasa edad 30-35, may taas na 5’3, payat ang panga­ ngatawan, kayumanggi at nakasuot ng black polo, maong short pants, habang ang isa naman ay inilarawan na nasa 35-40 anyos, may taas na 5’3, kalbo at kayumanggi, walang pang-itaas na damit at tanging short lamang ang suot. Nabatid na tinakpan din ng basahan at packing tape ang mukha nito at may mga tattoo na ‘DEMONYO HARDCORE AND BATANG’.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas- 3:30 ng mada­ling-araw natagpuan ang da­lawang biktima sa panulukan ng Instruccion St. at Retiro St., sa Sampaloc, May­nila.

Nabatid sa isang tricycle driver ang napadaan uma­no sa naturang lugar nang mapansin niya ang katawan ng mga biktima na nakahan­dusay sa kalsada.

Sa ulat ng pulisya, maaa­ring sa ibang lugar umano isinagawa ang nasabing krimen at itinapon na lamang sa nasabing lugar.

Show comments