^

Metro

Martilyo gang sumalakay: 3 patay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang namatay kabilang ang isang security guard at dalawa ang sugatan matapos maghagis ng granada ang mga suspek na nanloob sa isang jewelry at pawnshop, habang tinataka­san ang mga rumespondeng awtoridad kahapon ng hapon sa Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid sa report na na­­ku­ha sa Manila Police District-PCP Gandara Police Inps. Rizalindo Morales Station 3, isa pa lang sa nasawing suspect ang na si Allan Macatimbel, 48, habang hindi pa nakikilala ang isa pang nasawing suspect.

Nakilala naman ang na­ma­tay na security guard na nakipagbarilan sa mga nasawing suspect na si Danny Orbe, 48,taga Camarin ,Caloocan at ng Speed Force Security Agency.

Dakip namang ang isa pang pang suspect na si Ba­sir Basilon, 30, tubong Maguindanao at residente ng Western Bicutan, Taguig City.

Habang dinala naman sa Metropolitan Hospital ang mga sugatan na nakilalang si Marichel Atendido at Paraluma Predino.

Ayon kay Morales dakong alas-4:00 ng hapon ng pasukin ang Primarosa Pawnshop na pag-aari ng isang Rolly Estella, at Sisters Jewelry na pag-aari ng magkapatid na Ruth at Fatima Rebuyas na matatagpuan sa panulukan ng Rizal Avenue at Claro M. Recto Ave­­nue, Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi pa ni Morales na miyembro umano ng “Martilyo gang” ang mga nanloob na suspect,dahil sa istilo ng kanilang ginawang pangho-holdap.

Nabatid na nagawa umano ng biktimang si Orbe na ma­kipagbarilan sa mga suspek, bagama’t tinamaan at bumagsak nagawa pa rin nitong mapaputukan ang isa sa mga nasawing suspect.

Nagawa namang makaku­lim­bat ang mga suspect, at habang tinutugis ng mga tauhan ng Manila Police District, isa sa suspek ang naghagis ng granada at tinamaan ang dalawang babae.

vuukle comment

ALLAN MACATIMBEL

CLARO M

CRUZ

DANNY ORBE

FATIMA REBUYAS

GANDARA POLICE INPS

MANILA POLICE DISTRICT

MARICHEL ATENDIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with