Binata kinuyog ng kalabang gang, kritikal

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang binata nang kuyugin ito ng sampung kalalakihan na pinaniniwalaang kalaban nilang grupo sa isang rambol kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng saksak sa kanang balikat at malalim na mga sugat ang biktimang si Francis Ong, 32, ng PNR Compound, Brgy. 73 ng nasabing lungsod.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect.

Dakong ala-1 ng mada­ling-araw naganap ang insi­dente sa kahabaan ng Samson Road ng nabanggit na barangay.

Naglalakad ang biktima sa nabanggit na lugar, kasama ang dalawang kaibigan kung saan nakasalubong ng mga ito ang mga gupo na nasa sam­pung kalalakihan na dito na nagsimula ang banatan.Bagamat tumakbo ang grupo ng biktima ay inabutan naman siya na pinagsasaksak ng mga suspect.

Show comments