^

Metro

Saleslady utas sa nakabungguan sa daan

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 28-anyos na saleslady ng isang mall nang barilin ng isang lalaking nagalit makaraang mabunggo ng una sa paglalakad sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Senior Insp. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, pa­pauwi umano ng bahay mula sa trabaho sa 168 Mall ang biktimang kinilalang si Roby­sita Sacramento, Area-A gate-1 Parola, Compound, Tondo ng maganap ang insidente.

Sa ulat ni SPO1 Giovanni Valera, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa C.M. Recto Ave., corner Camba St., Binondo.

Naglalakad umano ang biktima, kasama ang isang Liezl Torremonia nang hindi umano sinasadyang mabunggo ang isang lalaki na naglalakad. Nagtalo umano ang biktima at ang suspect kaya naisipan ng kasama ng biktima na maghanap ng barangay hall upang magpasaklolo.

Walang nakitang ba­rangay outpost o police out­post si Torremonia kaya binalikan na lamang niya ang biktima, kung saan nasorpresa siya nang makitang duguan at nakahandusay na ito sa kalye makaraang makarinig ng mga putok ng baril.

Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktima. 

vuukle comment

AREA-A

AYON

BINONDO

CAMBA ST.

GAT ANDRES BONIFACIO MEDICAL CENTER

GIOVANNI VALERA

HOMICIDE SECTION

LIEZL TORREMONIA

RECTO AVE

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with