^

Metro

Magkakaanak inararo ng jeep: 1 patay, 3 sugatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang mister ang nasawi at tatlo pang kaanak nito ang na­sugatan matapos masagasaan ng isang humaharurot na jeep sa Caloocan City kamakalawa.

Namatay sa Far Eastern University Hospital ang biktimang si Leonito Bongcales, 48, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan at ulo. Ginagamot naman sa Jose N. Rodriguez Hospital ang mga kaanak nitong sina Criselda Bongcales, 46; Leonicel Bongcales, 25; at Elmida Capule, 22, pawang mga residente ng Bahay Toro, Project 8, Quezon City. Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Isabelo Mangu­bat, 65, na sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa tapat ng Cifel Subdivision at Taruc Dental Clinic, Brgy. 184, Caloocan City.

Papatawid ang mga biktima sa nabanggit na lugar nang banggain ng humaharurot na isang Toyota Jeep (NLN-875) na minamaneho ng suspek na si Mangubat. Huli na bago nakontrol ng suspek ang kanyang sasakyan at nawalan ito ng preno hanggang sa mahagip ang mga biktima at bumangga sa isang nakaparadang jeep (CTK-565).

Ang matandang Bongcales ang unang nahagip sa unahan ng sasakyan ng suspek at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ito at tumama sa poste habang ang tatlo pang biktima ay tumilapon naman sa kalsada.  

vuukle comment

BAHAY TORO

CALOOCAN CITY

CIFEL SUBDIVISION

CRISELDA BONGCALES

ELMIDA CAPULE

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

ISABELO MANGU

JOSE N

LEONICEL BONGCALES

LEONITO BONGCALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with