^

Metro

Trader inutas sa panaderya

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang negos­yanteng lalaki matapos barilin ng holdaper sa loob ng pag-aaring panaderya kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Idineklarang patay sa Jose Rodriguez Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib si Allan Caballero, 35, ng Barangay Bagumbong sa nasabing lungsod.

Base sa police report, naganap ang pamamaril dakong alas-6:30 ng gabi matapos pasukin ng holdaper ang FC Pacheco­ Bakery and General Merchandise.

Pilit na kinukuha ng holdaper ang beltbag ng biktima na naglalaman ng P50,000 subalit nanlaban ito kaya napilitang barilin. Nangangalap ng impormasyon ang pulisya para makilala ang holdaper na sinasabing malimit na umaaligid sa panaderya ng biktima.

ALLAN CABALLERO

BAKERY AND GENERAL MERCHANDISE

BARANGAY BAGUMBONG

CALOOCAN CITY

IDINEKLARANG

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

NANGANGALAP

NAPAAGA

PACHECO

PILIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with