^

Metro

Naaktuhang may kasiping grinipuhan ng tomboy

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng isang 33-anyos na tomboy makaraang saksakin nito ang kanyang ka-live-in babae na may kasiping na ibang lalaki sa loob ng kanilang kuwarto kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Ginagamot ngayon sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa kanang hita ang biktimang si Marineth Villamonte, 31, ng Barangay Karuhatan sa nasabing lungsod.

Samantala, nakapiit naman sa detention cell ng Valenzuela City police ang suspek na si Jocelyn Espiras. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang umuwi si Espiras­ mula sa magdamag na pagtatrabaho subalit sa halip na masarap na almusal ang sumalubong sa kanya ay sinak­luban ng matinding galit.

Dahil naaktuhan ng suspek na may kasiping na ibang lalaki na nakilalang si Kim Gonzales ang kanyang kinakasamang si Villamonte. Dito na nagwala ang suspek habang si Gonzales naman ay nagmamadaling nagbilis para takasan ang nag-aalburotong tomboy.

Agad namang nakakuha ng patalim si Espiras ngunit ang kinakasamang si Villamonte na lang ang inabutan kaya inundayan nito ng saksak. Agad namang isinugod ng mga kapitbahay sa ospital si Villamonte habang nadakip ng mga nagrespondeng barangay tanod si Espiras.

vuukle comment

BARANGAY KARUHATAN

DAHIL

DITO

ESPIRAS

GINAGAMOT

JOCELYN ESPIRAS

KIM GONZALES

VALENZUELA CITY

VALENZUELA MEDICAL CENTER

VILLAMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with