Bangkay ng lalaki, lumutang sa Pasig River
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng di kilalang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Marikina River na sakop ng Brgy. Santolan sa Pasig City kahapon ng umaga.
Inilarawan ang biktima na nasa 25 hanggang 30-anyos, nakasuot ng kulay green na t-shirt, at shorts at Adidas na rubber shoes.
Ayon sa Pasig City Police, dakong alas-7:30 ng umaga nang makita ni Romulo Oblique, 40, residente ng naturang lugar ang palutang-lutang na bangkay sa likuran ng Glass Garden Restaurant, sa E. Pasco Avenue corner Evangelista St., sa Brgy. Santolan.
Wala namang anumang palatandaan na sinadya ang pagkamatay ng biktima ngunit iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.
- Latest
- Trending