^

Metro

Misis inabort ang sarili

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang isang 31-anyos na ginang makaraang mabuking ng mga doktor sa Ospital ng Maynila ang ginawang pag-a-abort nang uminom ng pampa­hilab at pagkatapos ay sinundot ng alambre ang kanyang ari na naging dahilan ng matindi niyang pagdurugo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga­.

Posibleng nataranta ang suspect na kinilalang si Mary Grace Laude, ng Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila dahil bitbit pa niya ang lumabas na fetus sa ari nang sumugod ito sa Ospital ng Maynila habang duguan.

Nabatid na ang ginang ay may tatlong anak sa kanyang lumayas na asawa at ang fetus na ipinagbuntis nito ay gawa ng kanyang boyfriend na kumalas na rin sa kanya kaya nagawang ilaglag ang biktima, ayon  sa ulat ni PO2 Jet Tajonera.

Sa ulat, dakong alas-12 ng tanghali kahapon nang magtungo sa OSMA ang suspect, kung saan ito nilapatan ng lunas at nadiskubre ang ginawang abortion na itinawag naman ng ospital sa homicide section ng Manila Police.

Umamin sa doktor ang ginang na desperado siya kaya nagpasyang uminom ng ‘Methergin’ tablet na pampalaglag at sinundot ng wire ang sariling ari hanggang sa magdugo ang loob.

Ani MPD-Homicide Section chief, Senior Insp. Joey de Ocampo, sasampahan ng kasong intentional abortion ang ginang.

vuukle comment

CRUZ

HOMICIDE SECTION

JET TAJONERA

MANILA POLICE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY GRACE LAUDE

MAYNILA

OSPITAL

QUEZON BOULEVARD

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with