^

Metro

Kenyan national huli sa 3 kilo ng shabu

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang Kenyan national ang inaresto ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na makuhanan ng tatlong kilo ng shabu sa Mactan Inter­national Airport sa Cebu, Lapu-Lapu City, iniulat kahapon.

Ayon sa ulat ng PDEA, ang pagkakadakip sa suspect ay bunga ng kooperasyon ng tropa ng National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Customs (BOC), ilang oras matapos ang memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan para bantayan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Metro Manila at iba pang lalawigan.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang Kenyan national na si Asha Atieno Ogotu, 25, hinihinalang miyembro ng West African Drug Syndicates (WADS). Siya ay dumating sa bansa sakay ng Qatar Airways flight QR656 mula Doha, Qatar.

Si Ogotu ay nadakip sa pamamagitan ng mga drug sniffing dog na nakatukoy mula sa kanyang bagahe ang pinaglalagyan nito ng droga, matapos lumapag sa Mactan Airport, ganap na alas-5 ng hapon.

Nakapiit ngayon ang suspect sa NBI office sa Taft Ave., Manila habang inihahanda ang kasong importation of dangerous drugs (Section 4, Article II, Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

ASHA ATIENO OGOTU

BUREAU OF CUSTOMS

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATES

DRUGS ACT

GUTIERREZ JR.

ISANG KENYAN

LAPU-LAPU CITY

MACTAN AIRPORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with