Buntis sugatan sa gumuhong pader

MANILA, Philippines - Isang pitong buwang buntis ang sugatan matapos na mabagsakan ng gumuhong pader sa isang lugar sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Valencia Soriano, street sweeper.

Sinasabing naglalakad sa lugar si Soriano sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan at malakas na hangin ganap na alas-8:30 ng umaga nang bumuwal ang tipak ng pa­der at tamaan ito sa paa.

Ayon pa sa ulat, pangalawang beses ng gumuho ang naturang pader noong nakaraang taon dahil din sa isang bagyo.

Show comments