^

Metro

Sekyu patay sa kapwa sekyu

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng kapwa nito sekyu sa hindi pa mabatid na dahilan, sa Pasig City.

Natagpuan lamang kahapon ng umaga ang bangkay ng biktimang nakilalang si Dante Casuga, 32, residente ng Parañaque City.

Inaalam naman ngayon ng Pasig City Police ang pagkaka­kilanlan ng kasamahan nitong security guard na hini­hinalang may kagagawan ng naturang krimen.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Casuga malapit sa kanilang barracks sa IPI Compound sa may kanto ng C5 Road at Ortigas Avenue Extension, Brgy. Ugong, ng naturang lungsod.

Sa pagtatanong ng pulisya, nakasagutan umano ni Casuga ang isa nitong kasamahan na sekyu rin na sinasabing may kaga­gawan ng pamamaril. Pinaghahanap na ngayon ang naturang suspek.   

vuukle comment

BRGY

CASUGA

DANTE CASUGA

INAALAM

NATAGPUAN

ORTIGAS AVENUE EXTENSION

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

PATAY

PINAGHAHANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with