^

Metro

Miyembro ng shooting team, utas sa ambush

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hindi umubra ang ga­ling ng isang sharp shooter nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan habang pauwi na ang biktima mula sa Malabon Practical Shooting Association kamakalawa sa Malabon City .

Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Michael Lontoc, 30, ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City, nagtamo ito ng tama ng bala sa kanan at kaliwang kili-kili buhat sa Uzi machine gun at .45 na baril.

Sa inisyal na report, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa kahabaan M.H del Pilar St., panulukan ng Sanchangco St., Brgy. Tinajeros at Brgy. Catmon, Malabon City. Galing umano ang biktima sa isang competition sa nabanggit na lungsod at pauwi na ng maganap ang insidente.

Ayon sa saksing si Louie Acuña, 42, minamaneho nito ang kanyang motorsiklo habang nakabuntot sa kanyang likod ang sasakyan ng biktima na Toyota Hilux pick-up na kulay gray (ZCN-522).

Nakita ni Acuña ang apat na kalalakihan na pawang armado ng Uzi machine gun at .45 kalibre na baril at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang sasakyan ng biktima saka nagsitakas.

Sa kabila ng mga tinamong tama ni Lontoc ay na­gawa pa nitong patakbuhin ang kanyang sasakyan su­balit bumangga ito sa kongkretong bakod.

Mabilis na namang nawala sa kanyang paningin ang mga salarin.

BAHAY TORO

BRGY

LOUIE ACU

MALABON CITY

MALABON PRACTICAL SHOOTING ASSOCIATION

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MICHAEL LONTOC

PILAR ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with