^

Metro

Reward system para sa pulis vs drug pushers posibleng maabuso -- Manila dad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pa­ngam­ba ang isang konsehal ng Maynila na po­sibleng maabuso ang pag­bibigay ng reward sa mga pulis na makakahuli ng user at pusher ng mga illegal na droga.

Ayon kay Manila 3rd District Councilor Re Fugoso, posibleng manghuli ang mga pulis ng isang ordinar­yong sibilyan o hindi naman ‘tulak’ upang makakuha lamang ng reward.

Bagama’t magandang insentibo ito para sa mga pulis, hindi naman umano tama na maging daan ito upang maisakatuparan ang personal na alitan.

Sinabi ni Fugoso na mas makabubuti kung magkakaroon ng koordinas­yon ang barangay offi­cials, Phi­lippine Drug En­ forcement Agency (PDEA) at ang mga pulis upang agad na masugpo ang paglaganap ng mga illegal na droga.

Aniya, madali namang matutukoy ang mga ito sa barangay level dahil alam ng mga barangay officials kung sino ang gumagawa ng iligal sa kanyang nasasakupan.

Una nang sinabi ni   Manila Information Bureau chief at Chief of Staff Ric de Guzman na hindi naman kailangan ang reward sa makakahuli ng user at pusher dahil tungkulin na ito ng mga pulis.

Aniya, dapat na pa­ig­tingin ng mga pulis ang kampanya upang tuluyang masawata ang iligal na droga hindi lamang sa lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa.

ANIYA

CHIEF OF STAFF RIC

DISTRICT COUNCILOR RE FUGOSO

DRUG EN

MANILA INFORMATION BUREAU

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with