^

Metro

Taxi kinardyak sa Makati

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isa na namang insidente ng carjacking ang naganap sa Makati City makaraang isang taxi ang sapilitang tinangay ng tatlong hindi kilalang kalalakihan kahapon ng umaga.

Sa imbestigasyon ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:38 ng umaga sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, Brgy. Cembo, ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na habang minamaneho ng driver na si Evaristo Bagtasos, ang taxi na Toyota Vios na kulay puti (UVM-575) ay bigla itong pinara ng tatlong kalalakihan. Nang huminto si Bagtasos ay dito na siya tinutukan ng mga suspek hanggang sa sapilitang kinuha ang dala nitong taxi. Matapos ito ay kaagad na inireport ni Bagtasos ang insidente sa Makati City Police at ilang oras lamang, nakatanggap ng tawag ang naturang tanggapan na isang taxi ang narekober sa lungsod Quezon at napag-alaman na iyon ang taksing dala ni Bagtasos.

BAGTASOS

BRGY

CEMBO

EVARISTO BAGTASOS

ISA

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with