^

Metro

Bebot itinumba sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isang babae ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng nag-iisang salarin sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay noon din dahil sa tinamong mga tama ng bala ng baril sa ulo at leeg si Ederlita Padora, ng Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Base sa report ni PO2 Rey Boral ng Quezon City Police District Station 3, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Muladin St., Brgy. Culiat sa lungsod habang naglalakad umano ang biktima kasama ang isang hindi pa kilalang babae nang basta na lamang inakbayan ng isang lalaki at saka binaril sa ulo at leeg habang hindi naman sinaktan ang kasama nito.

Sinabi naman ni Boral na may nag-tip sa kanila na nagpunta ang dalawa sa naturang lugar upang bumili ng droga.

Hinala naman ng pulisya, posible umanong napaghinalaan ang biktima na isang police asset kaya siya itinumba ng sindikato ng iligal na droga sa lugar.

vuukle comment

BINAWIAN

BRGY

CULIAT

EDERLITA PADORA

MULADIN ST.

PASONG TAMO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

REY BORAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with