Kidnaper ng beybi, huli

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 18-anyos na babae matapos nitong dukutin ang isang sanggol na anak ng isang negosyante sa loob ng isang mall sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Monica Briones, ng Luwalhati St., Baesa ng nabanggit na lungsod.

Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng mga kagawad ng Caloocan City kung saan dinala ng suspect ang biktimang si Sharica, 1-anyos, ng Pasay City.

Sa report ng pulisya, dakong alas-12 ng tanghali noong Setyembre 15, 2011, iniwan sandali ni Abdulbaki Saraji, 30, sa stroller ang anak sa Tom’s World of Entertainment sa 3rd floor ng Ever Gotesco Grand Central, sa Rizal Ave. Ext., Caloocan City upang bumili ng token sa rides.

Nang balikan ang bata ay wala na ang kanyang anak at stroller na lang ang naiwan, na naging dahilan upang i-report sa mga pulis ang insidente.

Tiningnan ang Close Circuit Television ng mall at na­kita ang suspek na tuma­ngay sa bata kung saan isang testigo rin ang lumutang at sinabing nakita si Briones na pababa sa escalator habang karga ang biktima.

Dakong alas-6 kamaka­lawa ng gabi ay namataan ang suspek sa loob ng nasa­bing mall na hinihinalang nag-aabang ng mga bagong bibiktimahin at nang maispatan ng mga guwardiya na nakakita sa CCTV ay agad itong dinamba at dinala sa presinto.

Show comments