Driver, dedo sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem suspect dahil umano sa onsehan sa droga sa lungsod Quezon, kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Usop Abdulah, 27, binata, residente sa #49 Katuparan St., Brgy. Commonwealth.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang in­sidente sa may IBP Road, Brgy. Katuparan alas-12 ng madaling-araw.

Bago nito, nakatayo sa lugar ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo sa lugar. Isa sa mga sakay ng motorsiklo ang bumaba sabay lapit sa biktima at pinagbabaril ito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa lugar ang pitong basyo ng bala at dalawang slug ng kalibre 9mm na baril.

Illegal na droga ang tinitingnang ugat ng pulisya sa nasabing pamamaril dahil ang biktima, ayon sa mga residente ay guma­gamit din nito.

Show comments