^

Metro

6 nene na-rescue sa sex trade

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Anim na menor-de-edad na babae ang na-rescue sa sex trade habang walong Nigerian naman ang ina­resto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa loob ng hotel sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief Director Samuel D. Pagdilao Jr. ang mga suspek na sina Lucky Nelson, 24; Dumalo Gbue, 25; Yerebba­ri Neemana, 29; Owki Baknanawe, 29; Sundah­ Korobriowei Matthew­, 29; Gabriel Te­kena, 28; Worlo Enyi, 25; Mark Jack, 24; pawang  mga foreign­ students at kasalukuyang nakatira sa Manila Manor Hotel sa Bocobo St., Malate.

Una munang dumulog sa PNP-CIDG ang isang Cecilia Salvador makaraang mabiktima ang kanyang 14-anyos na anak na sangkot sa Internet pornography.

Bandang alas-10 ng gabi noong Miyerkules ay inilatag ang Project Angel­ Net sa nasabing hotel kung saan naaktuhan ang mga dayuhan na binibili ang serbisyo ng mga menor-de-edad sa handler nito na isang Emmy Cruz na nagkakahalaga ng P1,500 bawa’t isa.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos dakpin ng arresting team ng PNP-CIDG kung saan nasagip din ang anim na batang kababaihan.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children ang ikinakasa laban sa mga suspek.

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND CHILDREN

BOCOBO ST.

CECILIA SALVADOR

CHIEF DIRECTOR SAMUEL D

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DUMALO GBUE

EMMY CRUZ

GABRIEL TE

KOROBRIOWEI MATTHEW

LUCKY NELSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with