Maid na nagnakaw, pumatay sa amo, timbog

MANILA, Philippines - Natimbog na kahapon ng mga awtoridad ang isang 23-anyos na kasambahay na nagnakaw at pumatay sa kanyang amo sa pamamagitan ng paghataw ng tubo sa ulo nito kamakailan sa Navotas City.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City police ang suspect na si Virginia Solomon, ng San Guillermo St., Brgy. Putatan Muntinlupa City at nahaharap sa kasong qualified theft at homicide sa piskalya ng Navotas.

Kinilala naman ang nasawing biktima na si Cristy Geronimo, 77, ng San Rafael Village, Navotas City.

Ayon sa ulat, dakong alas- 8:00 ng gabi nang madakip ang suspect sa bisa ng isang warrant of arrest mula sa pinagtataguan nito sa kanilang bahay sa Muntinlupa City.

Matatandaan na noong Setyembre 15, 2001 ay na­tagpuan ang walang buhay at duguang si Geronimo sa loob ng bahay nito sa Navotas City.

Pinagnakawan muna bago pinatay ng akusado ang biktima sa pamamagitan ng pag­hataw ng tubo sa ulo nito.

Show comments