'The Joy of Saving Lives', inilunsad ni VM Joy B
MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad sa programang “More blood, more life, the QC blood Olympics” sa ilalim ng The Joy of Saving Lives sa Quezon Memorial Circle.
Layunin ng programa na mapahusay pa ang public awareness sa bansa hingil sa pangangailangan para sa ligtas at may kalidad na uri ng dugo at upang ma-engganyo ang publiko na magkaloob ng dugo at matulungan ang mga barangay sa lungsod na makapagsagawa ng blood letting activities sa kani-kanilang komunidad.
Target ng programa na makalikom ng 600,000 donors na inaasahang maglalagay sa rekord na ang QC ang may pinakamaraming bilang ng blood collection sa isang araw lamang.
Kasama sa programang ito ang mga representatives ng Department of Health-National Center for Health Facilities Development, Phil. Blood Center, Phil. Blood Coordinating Council.
Ang anumang dugo na malilikom sa naturang programa ay ilalaan ng QC government para sa mga mabibiktima ng sakit na dengue sa lungsod.
- Latest
- Trending