^

Metro

Real estate broker, pinatay sa hotel

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang 69-taong gu­lang na real estate broker­ ang pinatay sa loob ng isang hotel sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi sa pamamagitan ng pagpukpok ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Kinilala ang biktima na si Don Relova, ng Cagayan St., Sta. Ana, Manila.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa krimen ang isang di-kilalang babae na kasama umanong nag-check-in ng biktima sa isang hotel na matatagpuan sa ikalimang palapag ng Market Place Mall sa Brgy. Kalentong, Mandaluyong City.

Sa isinagawang imbestigasyon, nabatid na dakong alas-4:49 ng hapon nitong Lunes nang mag-check-in ang biktima sa Room 131 ng na­turang hotel, kasama ang isang di-kilalang babae.

Dakong alas-10:00 ng gabi naman nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa ibabaw ng kama.

Isang empleyado ng hotel ang nakadis­kubre sa krimen matapos na magtungo ito sa kuwarto ng biktima upang ipa­alala rito na malapit na ang oras ng kanilang pag-check-out.

Gayunman, nang ka­tukin ay walang suma­sagot sa loob ng ku­warto, sanhi upang puwersahan nang buksan ang pinto at dito natagpuan ang bangkay ng biktima, na nakasuot lamang ng underwear.

Isang unan at isang tuwalya ang nakatakip sa mukha ng biktima at natuklasang may sugat ito sa ulo na pala­tandaang pinukpok ito ng matigas na bagay na maaaring siyang ikinasawi nito.

Nais pa umanong palitawin ng salarin na nag-suicide ang biktima matapos na makakita ng isang lalagyan ng lason sa daga sa bibig ng biktima, at isang sulat-kamay na liham na nagsa­saad hinggil sa pangit umanong karakter nito.

Ayon kay P/Senior Supt. Armando Bolalin, hepe ng Mandaluyong City Police, isang kopya­ ng closed-circuit TV camera­ mula sa hotel ang hawak nila sa nga­yon na maaaring maka­tulong sa pagresolba ng krimen.

Ipapakita umano ng mga awtoridad ang naturang video footage sa pamilya ng biktima upang matukoy kung kilala ng mga ito ang babaeng kasama ng biktima.

vuukle comment

ARMANDO BOLALIN

BIKTIMA

CAGAYAN ST.

DON RELOVA

ISANG

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARKET PLACE MALL

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with