Kelot lumutang sa ilog

MANILA, Philippines - Inaalam pa ng pulisya kung may foul play sa pagkamatay ng isang 22-anyos na oiler ng M/T Istoff Gusto, na natagpuang palutang-lutang sa Pasig River na sakop ng Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang nasawi na si Johnrey Haro, stay-in sa M/T Istoff Gusto ng Island Integrated Offshore Services Inc. at tubong-Oton, Abilay Norte, Iloilo. Alas-4:00 ng madaling-araw nang matagpuan ng katrabahong si Jehu Perez, ang bangkay ng biktima na lumulutang sa tabi mismo ng M/T Istoff Gusto, sa Cristobal St., Paco, Maynila. Sa nakuhang impormasyon kay Joel Haro, tiyuhin ng biktima, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-12:00 ng hatinggabi matapos magpaalam sa kanya na matutulog na.   Walang nakitang sugat o palatandaan na pinahirapan, bagamat hindi pa tukoy kung nagpakamatay ito o may pumatay dito.

Show comments