^

Metro

Number 1 most wanted criminal sa MM, timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Natimbog na ng mga ta­­uhan ng Eastern Police District (EPD) ang tinaguriang number 1 most wanted criminal sa Metro Manila makaraang matunton ang pinagkukutaan nito sa lalawigan ng Nueva Vizcaya kamakailan.

Nabatid na nahaharap sa patung-patong na kasong robbery hold-up, kidnapping, at pagpatay ang suspek na si Marlon Altizo, alyas Cuadro, miyembro ng “Sigue-Sigue Sputnik Gang” at kabilang din sa target list ng mga “criminal gangs” ngayong 2011.

Sa ulat ng EPD na ipina­dala sa National Capital Regional Police Office, nasakote ng mga tauhan ng Warant and Subpoena Section ng Marikina City Police ang suspek nang may magbigay ng impormasyon na nagtatago ito sa Brgy. Nalubhan, Quezon, Nueva Vizcaya.

Inaresto sa tulong ng mga opisyal ng barangay at lokal na pulisya si Altizo na naki­kitira sa bahay ng kapatid sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong kidnapping with murder sa Marikina City Regional Trial Court.

Nakatakda ring makipagkoordinasyon ang EPD sa iba pang distrito kung saan may kinakaharap na kaso si Altizo upang mapanagot sa mga nagawang krimen.  

vuukle comment

ALTIZO

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA CITY REGIONAL TRIAL COURT

MARLON ALTIZO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NUEVA VIZCAYA

SIGUE-SIGUE SPUTNIK GANG

WARANT AND SUBPOENA SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with