^

Metro

Bading baon sa utang, nagpakamatay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang 32-anyos na sinasabing bading na baon sa utang ang sariling buhay makaraang magbigti sa loob ng bahay nito sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Allan Bajado, isang tindero at naninirahan sa San Juan Coastal, Brgy. Pulang Lupa 1, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas Police, natagpuan ang bangkay ni Bajado dakong alas-11 ng gabi ng kanyang pinsan na si Jay-R Esro nang magising ito sa pagkakatulog ng naturang oras.

Sa pahayag ni Esro sa mga imbestigador, nahaharap umano sa malaking problema sa pananalapi ang kanyang pinsan at wala nang matakbuhan na mauutangan dahil baon na rin siya sa utang sa kanyang mga kapitbahay.

Halos araw-araw ay may naniningil umano kay Bajado subalit puro pangako na lamang ang kanyang binibitiwang salita. Maaaring hindi na nakayanan ng biktima ang mga problema na naisipan nitong takasan sa pamamagitan ng pagkitil sa sariling buhay.

vuukle comment

ALLAN BAJADO

BAJADO

BRGY

ESRO

JAY-R ESRO

LAS PI

MAAARING

NAKILALA

PULANG LUPA

SAN JUAN COASTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with