^

Metro

Akyat-bahay member, nagnakaw na nanunog pa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa nakikilalang miyembro ng grupong Akyat Bahay Gang ang nanloob sa isang tahanan at sa kanilang pagtakas ay sinunog pa ang bahay na kanilang pinagnakawan sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Masuwerte naman hindi napahamak ang mag-asawang sina Maria Luisa Calo, mister na si Leonel at mga anak na sina Loren at Lara na pawang nani­nirahan sa #38 Radish St., Valle Verde 5, Brgy. Ugong, Pasig City.

Sa report na isinumite kay Sr. Supt. Jessie Cardona, hepe ng Pasig City Police ni Sr. Insp. Joselito Brioso, hepe ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) dakong alas-2:30 ng mada­ling-araw ng magulantang ang pamilya Calo dahil sa pag responde ng mga kagawad ng pamatay-sunog sa kanilang bahay.

Sinabi ng mag-asawang Calo na natutulog sila sa guest room sa ground floor ng kanilang bahay habang ang kanilang dalawang anak ay nasa mga kuwarto sa 2nd floor.

Sinabi ni Mrs. Calo, na­karinig sila ng mga kaluskos  sa loob ng kanilang bahay pero hindi nila pinan­sin dahil sa akala umano nila na gising lamang ang dalawang miyembro ng pamilya ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay pinagnanakawan na pala sila.

Makaraang maisagawa ang pagnanakaw ng mga suspect sa loob ng master’s bedroom ay sinunog pa ang nasabing kuwarto na nagkataon namang ma­ lapit lamang sa isang him­pilan ng bumbero kaya mabilis na nakapagresponde sa nasusunog na kuwarto.

Sa pagsisiyasat ng pu­ lisya, nadiskubreng nawa­wala ang mga gintong alahas ng pamilya Calo na nasa isang jewelry box, ganun din ang Rolex watch at hindi pa madeterminang cash.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dumaan papasok ng bahay ang mga suspect sa sliding door at habang dumaan naman sa fire exit sa kanilang pagtakas.

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

CALO

JESSIE CARDONA

JOSELITO BRIOSO

KANILANG

MARIA LUISA CALO

MRS. CALO

PASIG CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with