MANILA, Philippines - Inanyayahan kahapon ng isang pribadong ospital sa Lungsod ng Maynila katuwang ang Metrobank Foundation Inc., (MBFI) ang mga kapus-palad na Filipino na may problema sa kanilang paningin dulot ng katarata, na magsadya sa kanilang tanggapan.
Ayon sa pamunuan ng Manila Doctors Hospital (MDH) at MBFI sa pakikipagtulungan ng Department of Opthalmology at Corporate Social Responsibility Department (CSRD), mamimigay ng libreng operasyon sa mata ang nasabing hospital bilang bahagi ng kanilang commitment na matulungan ang komunidad partikular ang mga walang sapat na kita upang gastusan ang nasabing operasyon.
Ayon kay MDH corporate communications and events officer Jilliane Jacela, ang naturang programa ng MDH at MBFI ay bahagi ng 2nd leg ng “Sharing The Gift Of Vision” (STGOF) In-House Surgical Mission for 2011.
Sa kasalukuyan sa ika-10 taon ng nasabing proyekto, tinatayang aabot na sa 800 kapuspalad na pasyente ang napagsilbihan nito.