Motorsiklo sumemplang: 2 dedo

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na magka-angkas sa motorsiklo ang kapwa nasawi matapos na maaksidente kahapon ng umaga sa Taguig City.

Sa sketchy report ni Taguig Traffic Enforcer Arcadio de Leon, dead on arrival sa Taguig-Pateros Hospital ang mga biktima na nakilala sa mga pangalang William Marcelino at Agustin Olili.

Nabatid, na tumatawid umano ang dalawa sa kahabaan ng North bound lane ng C5 sakay sa Honda Dash motorcycle na may plakang UQ 1325 pasado alas-7:00 ng umaga nang bigla na lamang sumemplang ang sinakyang motorsiklo.

Idineklarang dead-on-arrival­ sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima na pawang mga walang suot na helmets.

 Sinasabing nakainom ang mga biktima dahil amoy alak umano ang mga ito nang sa­gipin ng mga rescuers.

Show comments