^

Metro

Guro ninakawan na, kinatay pa

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Pinagnakawan na kinatay pa ng hindi kilalang suspek ang isang lalaking guro sa loob mismo ng kanyang tahanan sa Pasig City.

Tinatayang aabot sa 17 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Cuadderno Tantay, 49, private teacher at residente ng G. Valderama St., Brgy. Bambang, Pasig City.

Mabilis namang tumakas ang suspek tangay ang laptop, alahas at wallet ng biktima, na naglalaman ng di pa mabatid na halaga ng salapi.

Sa ulat, nabatid na dakong alas-7:19 ng gabi ng Biyernes nang matuklasan ng isang opisyal ng barangay ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa sahig saloob ng kanyang kuwarto na tadtad ng saksak at na­liligo sa sariling dugo.

Lumilitaw na Huwebes pa ng gabi nang mapaslang ang biktima ngunit Biyernes lamang­ natuklasan ang krimen matapos na makatanggap ng tawag ang mga ba­rangay officials mula sa isang concerned citizen na nagsa­sabing pinatay ang guro.

Itinuro rin umano ng caller ang lugar kung saan mata­tagpuan ang biktima.

Nabatid na mag-isang namumuhay ang biktima sa naturang bahay buhat nang hiwalayan ito ng kanyang misis.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga awtoridad sa kaso.

vuukle comment

BAMBANG

BIYERNES

BRGY

CUADDERNO TANTAY

HUWEBES

ITINURO

LUMILITAW

MABILIS

PASIG CITY

VALDERAMA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with