^

Metro

Usisero ikukulong, pagmumultahin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ikukulong at pagmumultahin ang mga usisero sa Maynila.

Ito ang bagong batas na inaprubahan ni Manila Manila Mayor Alfredo S. Lim matapos na maipasa ang City Ordinance no. 8247 na inihain ni Manila 2nd District Councilor Rodolfo Lacsamana na nagpapataw ng kulong at multa sa mga usiserong papasok sa inilalagay na police cordon sa nagaganap na krimen sa isang lugar.

Batay sa batas, sinumang lalabag sa Ordinance No. 8247 ay maaaring makulong ng 15 araw o pagmultahin ng P5,000 o parehong ipataw ang kulong at multa.

Ang paglabag sa police line ay indikasyon ng kahinaan ng mga pulis na ipatupad ang kanilang regulasyon at disiplina upang mapanatili ang kaayusan sa isang crime scene.

Anang alkalde, dapat na igalang ang itinakdang police yellow line dahil may dahilan para ito ilagay at peligroso na makihalo ang mga tao sa awtoridad dahil baka sila pa ang masaktan

Sa orihinal na panukala, nasa P2,000. lamang ang multa sa mga lalabag sa “POLICE LINE, DO NOT CROSS” subalit napagkasunduan sa ginawang pagdinig sa Manila Council na itaas ito sa P5,000.

ANANG

BATAY

CITY ORDINANCE

DISTRICT COUNCILOR RODOLFO LACSAMANA

IKUKULONG

MANILA COUNCIL

MANILA MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

ORDINANCE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with