Natakasan ng preso, hepe ng PS-5 sinibak
MANILA, Philippines - Matapos matakasan ng siyam na preso, tuluyan nang sinibak sa puwesto ang hepe ng Quezon City Police Station 5 na si Supt. Edgardo Pamittan.
Si Pamittan ay pansamantalang pinalitan ni Supt. Froilan Uy alinsunod sa kautusan ni QCPD director General George Regis.
Ang pagsibak kay Pamittan ay bunga ng pagkakatakas ng siyam na preso sa mismong kanyang tanggapan noong Martes ng madaling-araw.
Lima sa mga pugante ang agad na naibalik sa selda ito ay kinilalang sina Pedro Perez, Russel Catintay, Romulos Bagnate, Joel Gorobot at Richard Santos.
Si Santos ang huling naibalik sa selda matapos na kusang isuko ng kanyang tiyahin sa nasabing tanggapan ganap na alas-3:30 ng hapon kamakalawa.
Habang patuloy pang tinutugis ang natitira pang pugante na sina Severilio Soriano, Richard David, Ernesto Ramasanta at Alex Francisco.
- Latest
- Trending