^

Metro

3 parak inireklamo ng 'kotong'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tatlong tauhan ng Manila Police District (MPD) ang ina­resto ng kanilang mga ka­baro sa isinagawang entrapment operation makaraang ireklamo ng isang ginang hinggil umano sa pangongotong sa kanyang mister ng halagang P50-libo, kapalit umano ng kalayaan sa kaso ng iligal na droga sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling- araw.

Kasalukuyang pinipigil sa MPD-General Assignment Section ang mga suspect na sina PO1 Renato Martinez, SPO1 Gary June Gading at PO2 Fer­nando Coloma na kapwa nakalataga rin sa nasabing tanggapan.

Isinuplong umano ng isang Annie Cruz sa kanyang pinsan na si PO1 Archie Santiago, miyembro ng San Juan Police, ang insidente at ipinarating ng huli kay MPD-GAS C/Insp. Marcelo Reyes ang insidente.

Una umanong tinawagan si Annie ng mga pulis ma­tapos damputin ang kanyang mister na kinilalang si Benjamin Cruz, sa kasong may ka­ugnayan sa pagtutulak umano ng iligal na droga.

Dakong ala-1 ng mada­ling-araw kahapon nang isa­gawa ang entrapment sa Plaza del Carmen at Legarda St., Sampaloc, kung saan inaresto ang mga suspect na pulis.

vuukle comment

ANNIE CRUZ

ARCHIE SANTIAGO

BENJAMIN CRUZ

GARY JUNE GADING

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LEGARDA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARCELO REYES

RENATO MARTINEZ

SAN JUAN POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with