Obrero utas sa gumuhong sahig na semento

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang construction worker habang malubhang nasugatan naman ang dalawa pang kasamahan nito makaraang mabagsakan ng bumigay na sementong sahig sa bahay na kanilang dinidemolis, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Basag ang ulo ng biktimang si Julius Tumbokon, 29, na sanhi ng kanyang kamatayan habang isinugod naman sa Ospital ng Makati ang mga kasamahan na sina Rommel Regala, 34; at Pepito Regala, 25, pawang mga naninirahan sa San Antonio, Sasmuan, Pampanga.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-6:35 ng gabi kamakalawa sa loob ng isang “condemned” na bahay sa kanto ng Chino Roces Avenue at Kalayaan Avenue sa may Brgy. Pasong Tamo, ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, sa kanilang pagresponde ay nakita nilang natabunan na ng mga debris ang mga biktima. Agad namang rumesponde rin ang Makati Rescue Unit kung saan isinugod sa pa­gamutan ang mga biktima.

Show comments