^

Metro

400 pulis ikakalat sa MM

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - May 400 mga pulis ang idineploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga commercial districts at iba pang matataong lugar sa Metro Manila sanhi ng ina­asahang pagtaas ng kriminalidad partikular na ang robbery/holdup ngayong ‘ber months’. Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang mga pulis ay buhat sa Regional Safety Battalion para tumulong sa pagbabantay sa seguridad sa mga shopping malls, establisimento, terminals, airports, LRT, MRT stations at iba pang mga matataong lugar. Sinabi ni Cruz na sa tuwing papasok ang ‘ber months’ ay tumataas ang insidente ng kriminalidad lalo na ang holdapan, bag slashing, pandurukot, snatching at iba pa. Bukod sa mga shoppers, target din ng masasamang elemento ang mga nagwi-withdraw sa ATM kaya dapat mag-ingat ang mamamayan. Ayon sa PNP Spokesman, regular nilang ginagawa na sa tuwing sasapit ang ‘ber months ay pinalalakas nila ang ‘police­ visibility’, mobile patrol, police assistance desk sa entrance ng mga malls. Sa mga panahong ito umano nagsisimulang mamili ang publiko para sa ‘holiday season’.

AGRIMERO CRUZ JR.

AYON

BUKOD

CHIEF SUPT

CRUZ

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE

REGIONAL SAFETY BATTALION

SPOKESMAN P

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with