^

Metro

Jailbreak: 9 pumuga sa QCPD

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Siyam na preso sa isang istasyon ng pulisya ng Quezon City Police District ang nakapuga sa pamamagitan ng paglagare sa isang piraso ng rehas ng bakal na bintana na may taas na 10 talampakan sa naturang lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Chief Supe­rin­tendent George Regis, hepe ng Quezon City Police District, kinilala ang mga nakapuga na sina Pedro Perez; Richard Santos; Severilio Soriano; Russel Catintay; Richard David; Ernesto Rama­santa; Romulus Bagnate; Joel Gurobot; at Alex Francisco.

Ang mga ito ay pawang may kasong possession of illegal drugs, theft at ma­liscious mischief.

Naganap ang pagpuga pasado alas-2 ng madaling- araw sa may Fairview Police Station 5 na matatagpuan sa Pearl St., Greater Fairview sa lungsod na pinamumunuan ni Supt. Edgardo Pamittan.

Sinasabing isang babae na umano’y girlfriend ni Perez ang nagbigay ng lagare dito na siyang ginamit ng mga pugante sa pagputol sa rehas.

Sa pagsisiyasat, ang butas na pinaglabasan ng mga pugante ay may lapad lamang ng isang dangkal kung saan maaari lamang magkakasya ang payat na tao.

Nasa gawing itaas din ng selda na window-type ang rehas at posibleng nagtulung-tulong ang mga preso para maiangat ang kanilang sarili para makapasok sa butas at makalabas ng piitan.

Si SPO2 Reymundo Pali­gutan ang sinasabing duty desk nang maganap ang pagpuga.

Napuna naman agad umano ni Paligutan ang pagtakas kung kaya agad niyang hinabol ang mga ito, subalit dahil sa bilis ng pagtakbo ay wala man lamang itong naabutan.

Nabatid na may kabuuang 21 preso ang nakapiit sa naturang himpilan kabilang ang mga nagsipagtakas na suspect.

ALEX FRANCISCO

CHIEF SUPE

EDGARDO PAMITTAN

ERNESTO RAMA

FAIRVIEW POLICE STATION

GEORGE REGIS

GREATER FAIRVIEW

JOEL GUROBOT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with