^

Metro

5-anyos binugbog ng tatay, lover

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa kalaboso ang isang ama at kinakasama nito matapos nilang pagtu­lungang gulpihin ang 5-anyos na anak na babae ng una dahil lamang sa na­ingayan ang mga ito sa iyak ng paslit, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell ang suspek na sina Marlon Fer­nandez, 30; at kinakasama nitong si Mary Joy Galang, 25, kapwa ng Malvar, panu­lukan ng Levile Cruz Sts., Brgy. 143, ng nasabing lungsod. Ang dalawa ay naha­harap sa kasong paglabag sa Child Abuse o RA 7610.

Sa report ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police­, dakong alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga suspek.

Nabatid na umiiyak ang batang si Jopay, ’di-tunay na pangalan, dahil sa hinahanap nito ang kanyang tunay na nanay na si Marife Rollon, 23.

Nabatid na ang biktima ay anak nina Fernandez at Rollon. Naingayan ang mga suspek sa pag-iyak ni Jopay at sa halip na aluhin upang patahimikin ay pinagtu­lungan ng mga itong bugbugin ang bata.

Kinabukasan, nagpunta si Rollon sa bahay ng mga suspek para kunin ang anak subalit nakita nito na puno ng pasa at galos ang buong katawan ng bata.

Nang tanungin ng nanay­ ang anak kung ano ang nangyari rito ay sinabi ng biktima na pinagpapalo siya at sinam­pal ng mga suspek kaya’t agad itong dinala ng kanyang ina sa Pres. Diosdado Me­morial Macapagal Hospital.

Hindi rin pinalagpas ni Rollon ang ginawa ng mga suspek sa kanyang anak at nagsumbong ito sa ba­rangay tanod na naging dahilan upang arestuhin sina Fer­nandez at Galang.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHILD ABUSE

DIOSDADO ME

JOPAY

LEVILE CRUZ STS

MACAPAGAL HOSPITAL

MARIFE ROLLON

ROLLON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with