^

Metro

Parak namaril ng tiyo, arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang kagawad ng pulisya matapos na ireklamo ng pamamaril ng kanyang tiyuhin sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Kinilala ang dinakip na pulis na si PO2 Ramiro Estacio, 38, nakatalaga sa Police Station 8 ng Quezon City Police District (QCPD) at residente ng Brgy. San Isidro, Galas sa lungsod kaugnay sa reklamong frustrated homicide ng kanyang tiyuhing si Jobet Albao, 43, isang tricycle driver, ng Sampaloc, Manila. Nangyari ang insidente habang ang biktima ay nakapila sa paradahan ng tricycle na matatagpuan sa Liberation St. sa nabanggit na lugar, ganap na alas-10 ng umaga. Mula rito ay dumating umano ang pulis at galit na galit na pinagsisigawan ang tiyuhin. Inawat umano ng ilang tricycle driver si Estacio, ngunit sa halip na sumunod ay nagbunot ito ng baril at binaril ang tiyuhin na tinamaan sa kanang braso. Matapos ang pamamaril ay pinagbantaan pa ni PO2 Estacio ang tiyuhin na papatayin ito. Agad na humingi na ng tulong sa himpilan ng pulisya si Albao at ipinaaresto ang pamangkin. Hindi naman malinaw kung ano ang motibo sa sigalot ng mag-tiyo na nauwi sa pamamaril ng suspect na pulis.   

ALBAO

ARESTADO

BRGY

ESTACIO

JOBET ALBAO

LIBERATION ST.

POLICE STATION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RAMIRO ESTACIO

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with