^

Metro

Stage performer hinuli sa NAIA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Hinuli ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (ASG) sa bisa ng isang warrant of arrest ang isang stage per­former sa Ninoy Aquino Interna­tional Airport (NAIA) terminal 2 habang papuntang Hong Kong matapos siyang ipagharap ng reklamo ng isang batang lalaki.

Dinakip sa bisa ng warrant of arrest si Gil Pestano base sa warrant of arrest na inilabas ni Pasig RTC Judge Maria Rowena Modesto-San Pedro kaugnay sa kasong act of lasciviousness laban sa una.

Sinabi ni P/Insp. Carolina SP Desiderio, may impormas­yon silang aalis ng bansa si Pes­tano kaya naman pinamonitor nila ito sa airport. Hindi binanggit ng pulisya ang pa­ngalan ng menor-de-edad na biktima.

Ayon kay Desiderio, nang maispatan ang suspect ay agad nila itong hinuli at kusang loob naman itong sumama matapos ipakita ang warrant of arrest.

Ayon naman kay Pestano, nakatakda siyang magtungo sa Hong Kong para magtrabaho bilang entertainer sa Ocean Park.

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

DESIDERIO

DINAKIP

GIL PESTANO

HINULI

HONG KONG

JUDGE MARIA ROWENA MODESTO-SAN PEDRO

NINOY AQUINO INTERNA

OCEAN PARK

PASIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with