^

Metro

2 bebot lasog matapos tumalon sa gusali

- Ludy Bermudo, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang babae, kabilang ang isang Chinese national ang kapwa nalasog makaraang tumalon sa gusali sa hiwalay na insidente ng pagpapakamatay sa Maynila at sa Pasig City.

Sa Maynila, lasog at duguan ang katawan ni Zeng Xuan Xuan, nasa 40-45 anyos, nanunuluyan sa Room 1101 sa 11th Floor ng Jell Tower na matatagpuan sa Teodora Alonzo St., panulukan ng Ongpin St., Binondo matapos itong tumalon buhat sa ika-11 palapag ng naturang gusali. Tumanggi naman umanong magpa­imbestiga ang kaanak ng nasawi.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa ground floor ng nasabing gusali ng sekyu na si Reynaldo de Joya. Nakasubsob umano sa semento ang mukha ng biktima at duguan itong walang buhay.

Samantala, agad ding nasawi ang isang 26-anyos na si Michelle Jackielyn Relucio, tenant sa Crescent Building sa may San Miguel Avenue, Ortigas Center, Brgy. San Antonio sa Pasig.

Sa inisyal na ulat, dakong ala-1:20 ng hapon nang madiskubre ng mga tauhan ng naturang gusali ang pagbagsak sa San Miguel Avenue ng biktima buhat sa ika-7 palapag ng gusali.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Brgy. San Antonio Rescue Team ngunit hindi na naisalba ang buhay nito.

Sa inisyal na pagtatanong ng pulisya, nabatid buhat sa pamilya ng biktima na maaaring depresyon ang dahilan ng pagtalon nito ngunit hindi na nagbigay ng dagdag na impormasyon kung anong uri ng problema ang dinaranas ng biktima.

vuukle comment

BRGY

CRESCENT BUILDING

JELL TOWER

MICHELLE JACKIELYN RELUCIO

ONGPIN ST.

ORTIGAS CENTER

PASIG CITY

SA MAYNILA

SAN ANTONIO

SAN MIGUEL AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with