^

Metro

Walang pambayad sa condo, nag-suicide

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi makapag-prodyus ng perang pambayad sa inuupahang unit sa condominium kaya nag-suicide ang isang 57-anyos na Malaysian national sa loob ng condominium sa Malate, Maynila noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Milbert Balingan ng Manila Police District-Homicide Section, may ilang oras nang patay bago pa ma­diskubre ang nakabiting si Corny Gan, may-asawa, ng Unit 2619, 26th floor ng Manila Residences Tower 1, City Land sa 2320 Taft Ave., Malate, Maynila.

Lumilitaw na nagtungo si Reynaldo Clara sa unit ng biktima para maningil ng renta subalit walang sumasagot kaya napilitang gamitin ang duplicate key ang silid noong Sabado ng hapon.

Dito tumambad ang nakabigting biktima kaya ka­agad na ipinarating sa kinauukulan ang insidente.

Nabatid na noong Miyerkules ng umaga ay nag-usap sina Clara at biktima para sa bayarin sa renta ng unit ng condo.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naganap na insidente kung nagkaroon ng foul play sa kaso ng dayuhan.

vuukle comment

CITY LAND

CLARA

CORNY GAN

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA RESIDENCES TOWER

MAYNILA

MILBERT BALINGAN

REYNALDO CLARA

SABADO

TAFT AVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with