^

Metro

250 kilong 'botcha' nasamsam

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Aabot sa 250 kilong karne ng baboy na pinani­niwalaang botcha ang nasamsam ng Manila Vete­rinary Inspection Board sa bahagi ng Divisoria market, Maynila kahapon ng mada­ling araw.

Sa ulat ng MVIB, dakong ala-una ng madaling-araw nang ilatag ang operasyon sa panulukan ng CM Recto at Juan Luna Street sa Tondo, Maynila.

Batay sa impormasyon nakalap ng mga awtoridad, inabutan ang mga nakasakong karne ng baboy na natatakpan ng lona sa maputik na kalye.

Wala namang naarestong vendor na may-ari ng mga botcha na nakasako at wala ding umangkin nang ikarga ito sa mga sasakyan upang kumpiskahin at suriin.

Inaasahan na ang pagdagsa ng botcha sa nasabing palengke at sa iba pang mer­kado dahil sa papalapit na Kapaskuhan.

Matatandaang noong Set­yembre 2 lamang ay naka­kumpiska na ang MVIB ng may 500 kilong botcha sa Divisoria at noong Setyem­bre 6 naman ay nasa ma-

­higit 250 kilong botcha din ang nasamsam sa Paco market.

AABOT

BATAY

DIVISORIA

INAASAHAN

INSPECTION BOARD

JUAN LUNA STREET

MANILA VETE

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with