^

Metro

Pulis ginulpi ng 20 drayber na adik

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Gulpi-sarado ang ina­bot ng isang pulis na nakatalaga Manila Police District-Traffic Enforcement Group matapos pagtulungang gulpihin ng mga drayber na lulong sa bawal na droga sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Naawat lamang ang panggugulpi kay P01 Donato Jetro Guerrero Tabinas nang rumesponde ang mga tauhan ng Blumentritt Police Community Precinct.

Sa reklamo ni PO1 Tabi­nas sa MPD-General As­sign­ment Section, naganap ang insidente sa panulukan ng  L. Rivera at Cavite Street sa Sta. Cruz, Maynila noong Sabado ng hapon.

Sinita at hinihingan ng li­­sensiya ni PO1 Tabinas ang isang driver matapos luma­bag sa batas trapiko sa pa­nu­lukan ng Rizal Ave­nue at Tayuman Street. Sa halip na ibigay ang lisensiya, humarurot ang jeepney kung saan hinabol naman ng biktima at inabutan sa L. Rivera panulukan ng Cavite Street.

Gayon pa man, naglapitan ang mga kasamahang drayber na namumula pa ang mga mata dahil sa droga at pinaikutan ang biktima kung saan inagaw ang kaniyang cal. 9mm. at pinagtulungang gulpihin saka hi­­nablot pa ang gintong kuwintas.

Nahinto ang kaguluhan matapos rumesponde sina SP01 June Caligtan Guina­yen, P03 Francis Manlutac na pawang nakatalaga sa Blumentritt-PCP. Ma­tapos magpagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ay bumalik ang biktima sa Blumentritt-PCP para magsampa ng reklamo subalit pinalaya na ng mga pulis.

Bunsod nito, maging ang mga tauhan ng Blumentritt-PCP ay isinama na sa ini­rereklamo ni PO1 Tabinas.

vuukle comment

BLUMENTRITT

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT

CAVITE STREET

CRUZ

DONATO JETRO GUERRERO TABINAS

FRANCIS MANLUTAC

GENERAL AS

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with