Basurang nakolekta ng MMDA kayang punuin ang 3 Olympic size swimming pool
MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa 7,000 cubic meter ng mga basura na kayang punuin ang tatlong Olympic size swimming pool ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagtatapos ng kanilang ginagawang paglilinis sa mga estero ng Kalakhang Maynila.
Ang paglilinis ay bilang bahagi ng programa ng MMDA sa inilunsad na “August Estero Blitz” Program noong nakaraang buwan.
Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, tinatayang 45 estero ang kanilang sinuyod at dito nakolekta ang naturang mga basurang nakabara sa mga estero na nagiging sanhi ng mga pagbaha sa Kamaynilaan kahit sa kaunting pag-ulan lamang.
Ayon pa sa naturang opisyal, kung sa loob ng isang buwan ay ganito na karaming basura ang nahakot nila ay hindi malabong ma-declog ang mga baradong drainage system sa Metro Manila.
“We’re hoping that local government units, including barangays, will regularly clean their waterways on their own. Households should likewise adopt proper waste disposal practices,” ayon pa kay Tolentino.
- Latest
- Trending