^

Metro

230 MMDA traffic enforcer nagrali

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nag-rally kahapon ang may 230 traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa harap ng Mandaluyong City Hall of Justice para isigaw ang kahilingan na bigyan ng patas na hustisya ang kasama nilang nakaratay ngayon sa pagamutan makaraang pagbabarilin ng isang motorista na sinita nito dahil sa pag­labag sa color coding sa San Juan City noong Miyerkules ng hapon.

Pawang nakasuot ng blue uniform ang mga nag-rally na may dalang placard na nakasulat ang “Justice for enforcer Fiala”.

Umaapila sila sa mga kinaukulang official na sana ay mabigyan ng hustisya si Fiala makaraang makatanggap sila ng impormasyon na ang suspek na si Edward John Gonzales ay pamangkin umano ni Mandaluyong City Congressman Neptali Gonzales II.

Ang suspek ay ipinagharap na ng kasong frustrated murder at direct assault on an agent of a person in authority. Habang si Fiala ay matamang binabantayan ngayon sa paga­mutan makaraang may mga taong umaaligid umano sa kanyang kuwarto.

Kabilang sa mga sumama sa rally ay sina Danilo Perreno, hepe ng Western Traffic District, Emerson Carlos, assistant general manager for operation at Tina Velasco na siyang tagapagsalita ng MMDA. 

vuukle comment

DANILO PERRENO

EDWARD JOHN GONZALES

EMERSON CARLOS

FIALA

MANDALUYONG CITY CONGRESSMAN NEPTALI GONZALES

MANDALUYONG CITY HALL OF JUSTICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SAN JUAN CITY

TINA VELASCO

WESTERN TRAFFIC DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with