^

Metro

Japanese national nag-suicide

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi inakala ng isang empleyado ng travel agency­ na tototohanin ng isang Ja­panese national ang pagpapakamatay matapos na ma­diskubre ang bangkay nito sa loob ng isang 5-star hotel sa Maynila.

Sa ulat ni PO2 Jupiter Tajonera ng Manila Police District-Homicide Section, may ilang oras nang patay ang biktimang si Sugao Hara, 59.

Dakong alas-10:50 kamakalawa ng umaga nang pwersahang pasukin ang silid ng biktima dahil hindi umano tumutugon sa mga katok ng chambermaid na si Janneth Quintana.

Iniutos na umano ng hotel supervisor ang paggamit ng bolt cutter sa chain lock ng pintuan at nang usisain ang comfort room ay nakitang na­­kabigti si  Hara gamit ang pinagkabit na kumot at sinturon.

Nabatid din na  madalas na dinadaing ng biktima ang ma­ tinding pananakit ng kanyang tiyan subalit tumatanggi naman itong magpasuri sa hotel physician na si Cathy Azones.

Lumilitaw naman sa pahayag ni May Manalo ng Cros­win Travel Agency na ka­sama niya noong Agosto 21 sa firing range ng Villa­mor Air Base sa Pasay City ang biktima at sinabing ba­rilin siya (biktima) at ba­ba­yaran siya ng malaking ha­laga dahil na rin sa matin­ding pananakit ng tiyan.

Inakala ni Manalo na nag­bibiro lamang ang biktima kung kaya’t hindi naman niya ito pinansin. Laking gulat na lamang niya nang malamang nagsuicide ito.

Nakipag-ugnayan na ang MPD-Homicide Section sa Japan Embassy para sa kaukulang aksiyon para sa kanilang mamamayan.

AIR BASE

CATHY AZONES

HOMICIDE SECTION

JANNETH QUINTANA

JAPAN EMBASSY

JUPITER TAJONERA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with