^

Metro

Obrero todas sa live-in partner

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 24-anyos na obrero makaraang aksidenteng magilitan sa leeg ng kasintahan nito sa pag-aagawan sa isang patalim, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Naisugod pa sa Alabang Medical Clinic ang biktimang si Jacky Cheng, 24,  subalit nasawi dakong alas-12:47 ng madaling-araw sanhi ng tinamo nitong malalim na sugat sa leeg.

Inaresto naman ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police­ ang kasintahan ng biktima na si Dona Grace Ladislao­, nasa hustong gulang, ng Brgy. Cupang, ng naturang lungsod, na siyang itinuturong suspect sa krimen.

Sa pahayag ni Ladislao kay Chief Insp. Michael David, hepe ng Investigation and Detective Management Section ng Muntinlupa police, aksidente lamang umano ang pagkakasaksak niya sa kinakasama. 

Sinabi nito na nagkaroon sila ng pagtatalo ni Cheng na humantong sa tangkang pag-alis ng lalaki sa kanilang bahay­.

Dito umano kumuha ng patalim ang babae at nag­banta na magpapakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili kapag itinuloy ng lalaki ang pag-alis. Dito biglang hinablot­ ng lalaki ang patalim upang iligtas ang kasintahan na nauwi sa pag-aagawan nila sa patalim.

Aksidente umano na natusok ng kutsilyo si Cheng sa leeg nang dumulas ito kung saan napuruhan ang lalamunan ng lalaki.  Mabilis namang humingi ng tulong sa mga kapitbahay si Ladislao at isinugod sa pagamutan ang biktima.

Inihahanda naman ng pulisya ang pagsasampa ng kasong homicide laban sa suspect kung saan bahala na umano ang piskalya kung tatanggapin ang kaso.

vuukle comment

ALABANG MEDICAL CLINIC

CHIEF INSP

DITO

DONA GRACE LADISLAO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

JACKY CHENG

LADISLAO

MICHAEL DAVID

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with