Batang City Jail kinatay

MANILA, Philippines - Isang lalaki na sinasabing miyemrbo ng Batang City Jail ang natagpuang patay sa bangketa ng Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 30-35, may tattoo na indikasyong miyembro ng BCJ at “Abel” naman sa dibdib, nakasuot ng itim na t-shirt na may markang “mad sin” at nakasuot ng short pants.

Nadiskubre ng isang concerned citizen ang nakahan­dusay na katawan ng biktima dakong alas-9:30 ng gabi .sa panulukan ng  C.M Recto Ave., at Planas St., Binondo.

Dinala naman ang bangkay ng biktima sa Universal Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments