^

Metro

Umawat sa away, pinatay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hindi akalain ng isang 37-anyos na glass cutter na ang kanyang pag-awat ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan nang pagbaba­rilin ng di-nakilalang suspect sa Binondo, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Patay na bago pa man idating sa Gat Andres Boni­facio Hospital ang biktimang si Elvis Espina, ng Area C Gate 54 Parola compound, Batohan, Binondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang isang 17-anyos na lalaki na tinuturong suspect na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Area C, Parola compound, Batohan, Binondo.

Pauwi na umano ang biktima sa kanilang bahay nang madaanan nito ang suspect na nakikipagtalo sa ilang kabataan dahilan upang mamagitan sa kanilang away.

Gayunman, imbes na pakinggan siya ng suspect ay nilapitan siya nito at walang sabi-sabing binaril.

Tumanggi naman ang mga kamag-anak ng biktima na paimbestigahan ang in­sidente. 

AREA C

AREA C GATE

BATOHAN

BINONDO

ELVIS ESPINA

GAT ANDRES BONI

GAYUNMAN

MAYNILA

PAROLA

PATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with